Dear Tita,
Hi po, hingi lang po ko expert advise, nagsex po kc kami ng bf nitong nov po. Di na po kami nagcondom tapos pinutok nman nya po sa labas. Yung tamud po sa may bandang taas po ng butas niya nailabas. Sabi nya di po ako mabubuntis kasi di nman sa loob pinutok pero kinakabahan po ako, di pa ako nireregla pero next week pa nman sched ko ng mens ko.
Kabado lng po kc talaga ako kaya gusto ko lang iklaro po, mabubuntis ba kahit hindi naputukan? Babae po ako, 23 yrs old, sna matulungan niyo ako, salamat.
– Diane
Dear Dianne,
Hello, thank you for sliding into our DMs with your story. For sure marami sa ating readers ang nakaka-relate sa dilemma mo.
To answer your question kung mabubuntis ba kahit hindi naputukan sa loob, lemme break it down for you, pamangkin. Pag ganito ang scenario– nag-sex kayo ng boyfriend mo, no condom involved, pero he pulled out and ‘di naman sa loob naputok– there’s still a chance of getting pregnant. It may be slim, pero posible pa rin.
Meron kasi tayong tinatawag na pre-cum…
Ano nga ba ang Pre-Cum?
Ang pre-cum or pre-ejaculate ay yung kaunting likido na lumalabas sa ari ng lalaki pag turned on sila. Most of the time, wala namang sperm sa pre-cum pero merong cases na may konting sperm na nasasama. Involuntary rin ang pre-cum so posibleng lumabas ito na hindi napapansin ng boyfriend mo.
Kung may sperm sa pre-cum ng partner mo at lumabas ito sa loob, pwede ka pa rin mabuntis kahit na yung pinutok ang tamod niya sa labas.
Kaya hindi masyadong recommended ang pull-out method kung merong ibang birth control method na available, kasi 78% lang siyang effective. Yung 22% eh dadaanin mo pa sa dasal, beh.
Pero Kalma Lang Muna…
Sabi mo sa iyong message na next week pa ang schedule ng period mo. Ang maipapayo ko sa ngayon ay mag-relax ka muna at mag-hintay. As much as I want to recommend emergency contraception methods like yuzpe method, November pa kayo nag-sex ng boyfriend mo so hindi na iyon effective.
Importanteng mag-relax ka, kasi kung stressed ka baka makaapekto ito sa period mo; baka late pang dumating.
Now, kung nagkaroon ka ng mens this week at hindi ka buntis, remind ko lang na next time na mag-sex kayo ng partner mo, make sure na gumamit kayo ng protection.
Condoms, birth control implants, IUD, injectables, pills, maraming options na available ngayon— meron ring mga organizations tulad ng Likhaan na nagbibigay ng libreng contraceptives.
Wala namang masama with getting intimate with your partner, pero may kaakibat itong responsibilidad. Follow safe sex practices para iwas stress na rin on your end— mahirap rin namang parati ka na lang nakakaramdam ng pregnancy scare.
Kawawa rin ang magiging anak niyo kung nabuntis ka’t hindi pa kayo ready ng boyfriend mo. Mahirap maging magulang, iba ‘yung level ng commitment, parang subscription na walang cancel button.
If you have more questions or gusto mo lang mag-kwento, message ka lang sa amin. Hope things will work out for you. Take care!
Lovelots,
Tita
Note: This article has tweaked names and details to protect everyone’s privacy. I’m trying my best to help out with everyone’s concerns, but my advice is not a substitute for professional help. You can send your questions in any of Lauvette’s social media accounts; simply say this is a question for Tita or for the Spill the T segment. Mwa! – Tita
-
₱99.00
-
₱285.00
-
₱800.00